Sa ibaba ng hagdan ay naroon ang isang intsik. Nagtitinda siya ng kakanin sa mga estudyante.
Madalas lokohin at biruin ng mga pilyong estudyante ang kawawangh intsik na maninsang umiiyak at nagmamakaawa mabili lang ang kanyang paninda.
Iba’t-ibang klase rin ang ugali ng mga mag-aaral. May sobrang palaaral, may bulakbol, may maramdamin, may mainitin ang ulo at ang iba naman ay hindi na matapos-tapos ang kaharutan sa iba pang kapwa mag-aaral.
Nabawasan lang ang kaguluhan ngng dumating ang mga kagrupo ni Makaraig na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez. Makikisig ang mga estudyanteng ito at disente kung manumit. Nag-usap ang mga ito habang hinihintay ang pagdating ni Makaraig para tyalakayin nila ang tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila.
Malaki ang sampalataya nina Isagani at Sandoval na pinagbigyan lang ang kanilang kahilingan. Tiyak na raw ang kanilang karangalan sa ginagawa para sa kapwa mag-aaral. Samantala, si Juanito Pelaez ay hindi napigilan ang pagkahambog sapagkat siya raw ang bumuo ng panukalang ito para sa pangkat.
Nagkaroon pa ng mainitang usapin sa pagitan ng mga ginoo kung anu-anung kaalaman ang binahagi nila sa isa’t-isa at isa sa aydeyang naisip nila ay ang kunin si Ginoong Pasta para maging abogado nila.
Si Isagani ang nagprisintang pupunta kay ginoong pasta sapagkat ang abogado ay naging kaklase at kaibigan ng kanyang tiyuhing si Padre Florentino. Bukod doon ay Pilipino ito kaya’t nakatitiyak na sila na papanig ito sa kanila.